3 bangkay ng BIFF , mga IED Components narekober ng militar

Inanunsyu ng militar nitong Sabado na naka-diskubre sila ng tatlong bangkay ng mga myembro ng Islamic State-inspired terrorists sa bulubunduking bahagi ng Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay 601st Infantry Brigade commander Col. Jose Narciso, nagsasagawa ng clearing operations ang tropa ng gobyerno nang matagpuan ang naturang mga bangkay ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Salman, Ampatuan.
Nakarekober din ang mga sundalo ng anti-personnel mine at mga personal na gamit ng mga nasawi.
Simula noong March 1, ang militar ay naglunsad ng air at ground assaults laban sa BIFF sa bulubunduking parte ng mga hangganan ng mga bayan ng Ampatuan, Shariff Aguak at Datu Hoffer sa Maguindanao.
Apat na sundalo at 17 BIFF members na ang nasawi sa operasyon kabilang na ang tatlong bangkay na na huling natagpuan.
Anim na sundalo naman ang nasugatan sa pagsabog ng landmine sa magkaka-ibang pagkakataon.
AFP Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments