Nagbabala sa publiko ang health ministries ng bansang France, Ireland, at Malta, patungkol sa sikat na Filipino instant noodles brand na Lucky Me.
Ayon sa Food Safety Authority ng Ireland, naglalaman umano ang noodles ng high ethylene oxide o ang kemikal na ginagamit para panatilihing bago ang mga agircultural products.
Nabatid na ipinagbabawal ang paggamit ng ethylyne oxide sa mga food production sa lahat ng bansang parte ng European Union (EU) dahil masama ito sa kalusugan ng mga tao.
Samantala, itinanggi naman ng manufacturer na Monde Nissin Corporation ang paratang at ginagamit lamang umano ang kemikal sa mga raw materials para maiwasan ang microbial growth sa pag-aangkat ng produkto.
Dagdag pa nila, pumasa sa Food and Drug Administration (FDA) standards ng Pilipinas at Amerika ang lahat ng kanilang mga produkto.