3 bansa sa Middle East, tumutulong na rin sa pagpapalaya sa 9 na Pinoy crew na bihag ng Houthi sa Yemen

Tatlong bansa ang tumutulong ngayon sa Pilipinas para sa paglaya ng 9 na Pinoy seafares na bihag ng Houthi rebels sa Yemen.

Ayon kay Foreign Affairs Undersec. Eduardo de Vega, partikular na tumutulong sa Pilipinas ang Saudi Arabia, Oman at Bahrain.

Sinabi ni De Vega na mas mapapadali rin ngayon ang pagtutok ng Philippine Honorary Consulate sa Sanaa, Yemen, sa mga bihag na Pinoy crew.

Ito ay matapos na ilipat ng Houthi sa Sanaa ang mga bihag mula sa Hodeidah port.

Una nang naglabas ng video footage ang Houthi kung saan pinakita ang mukha ng mga bihag na Pinoy.

Kinumpirma naman ng mga kaanak sa Pilipinas, na ang mga pinakitang mukha ng mga bihag ng Houthi ay siya ngang kamag-anak nila na nagtatrabaho sa MV Eternity C na inatake ng mga rebelde.

Facebook Comments