3 Barangay sa Bontoc, Isinailalim sa ECQ; Trabaho sa Kapitolyo, Suspendido

Cauayan City, Isabela- Ipinatupad na ng lokal na pamahalaan ng Bontoc ngayong araw ang pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang barangay partikular sa Barangay lli, Caluttit at Poblacion dahil sa kaso ng COVID-19 at maikatergorya bilang at critical zone.

Ito ay batay sa executive order no. 08-2021 na nilagdaan ni Mayor Franklin Odsey matapos ang kumpirmasyon sa kaso ng UK COVID-19 variant ng 12 nagpositibo sa naturang sakit.

Samantala, suspendido naman ang karamihan sa mga tanggapan ng Provincial Government ng Mountain Province simula ngayong araw (Enero 25,2021) hanggang katapusan ng buwan ng Enero dahil karamihan sa mga empleyado ng kapitolyo ay mula sa bayan ng Bontoc habang tumaas naman ang bilang ng mga kawani na infected.


Ayon kay Governor Bonifacio Lacwasan Jr., paraan ito upang mabawasan ang bilang ng mga nahahawa sa naturang virus.

Sa ngayon, nasa 421 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya habang naitala naman ang tatlo (3) na kaso ng pagkamatay at pinakahuli dito ang unang kaso na naitala ng bayan ng Barlig na isang 48-anyos na lalaki mula sa Barangay Gawana.

Nabatid na may kasaysayan ito ng paglalakbay mula sa mga bayan ng Sabangan, Bauko, Natonin at Bontoc.

Facebook Comments