3 barko ng China, itinaboy ng BFAR sa West Philippine Sea

Tinatayang nasa tatlo pang Chinese maritime militia vessels ang muling itinaboy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Sabina Shoal.

Ang Sabina Shoal ay matatagpuan sa layong 130 nautical miles o 240 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Batay sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), namataan sa lugar ang tatlong barko ng China na hinamon ng BFAR noong Mayo 7 at 8.


Dahil sa mababaw na tubig sa shoal, gumamit ng mga rubber boat ang BFAR upang i-escort ang mga barko ng China palabas ng lugar.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na itinaboy ng mga otoridad ang mga barko ng China mula sa Sabina Shoal kung saan matatandaang pinaalis din sa naturang lugar ang pitong barko ng China noong Abril 27 at limang barko ng CMM noong Abril 29.

Facebook Comments