3 barkong pandigma ng China, namataan sa Bajo de Masinloc

Mayroong namataang tatlong barkong pandigma ang China sa Bajo de Masinloc.

Sa datos ng Philippine Navy, tatlo ang bilang ng People’s Liberation Army Navy sa Bajo de Masinloc mula June 11 hanggang June 17, 2024.

Pasok ito sa petsa kung kailan ipinapatupad ng China ang kanilang anti-trespassing rule kung saan kanilang ibinabala ang pag-aresto sa sinumang iligal na papasok sa bahagi ng karagatan na kanilang inaangkin.


Nabatid na ang Bajo de Masinloc na tinatawag din na Scarborough Shoal ay isang traditional fishing ground para sa mga Pilipino.

Ito ay nasa 124 nautical miles ng Masinloc, Zambales, na pasok sa 200-nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas base sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Samantala, bahagya namang nabawasan ang mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Mula kasi sa 146 na bilang noong nakaraang linggo ay bumaba ito ngayon sa 121.

Facebook Comments