3 bata kritikal sa sunog sa Caloocan

Caloocan City – Nasa nalubhang kalagayan ang tatlong magkakapatid matapos makulong sa nasusunog na bahay sa Barangay 144 Bagong Baryo, Caloocan City.

Sa initial na imbestigasyon ni Fins Meda Sotto ng BFP Caloocan, nag-umpisa ang apoy sa bahay ng isang Enchay Valeros, 12:30 ng madaling araw.

Sinabi ni Chairman Bryan Pascual, kritikal ang 3 anak ni Valeros matapos magtamo ng 3rd degree burn sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.


Hindi nakalabas ang magkakapatid dahil nakakandado ang bahay dahil umalis ang tatay para bumili ng pagkain.

Ang mga biktima ay 8 taong gulang na lalaki, 6 na taong gulang na babae at 4 na taong gulang na babae.

Posibleng napabayaang kandila ang pinagsimulan ng sunog dahil walang kuryente sa lugar.

Umabot sa unang alarma ang sunog na naapula alas 2:30 ng madaling araw.

Dalawang bahay ang napinsala kung saan bukod sa mga sugatan nag-iwan ito ng 15,000 pisong pinsala sa ari-arian.

Facebook Comments