Aabot sa tatlong batch ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw.
Alas-4:15 mamayang hapon lalapag ang Emirates fligth EK 332 lulan ang 844,800 doses ng AstraZeneca vaccines na bahagi ng donasyon ng German Government sa Pilipinas.
Habang kabuuang 1,068,210 doses ng Pfizer vaccines ang inaasahang darating mamayang gabi.
Kasama sa nasabing bilang ang 141,570 doses ng Pfizer vaccines na darating sa Cebu kung saan alas-4:30 ng hapon inaasahang lalapag ito sakay ng Air Hongkong flight LD 457.
Habang ang 926,640 doses ng Pfizer vaccines ay nakatakdang dumating ng alas-9:20 ng gabi sa NAIA Terminal 3 sakay ng Air Hong Kong flight LD 456.
Sasalubungin ng mga opisyal ng gobyerno ang pagdating ng mga bakuna bago ito dadalhin sa storage facility sa Marikina City.