Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong pasaherong biktima ng human trafficking at illegal recruitment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Isa sa kanila ay patungo sana ng Dubai habang ang dalawa ay patungo ng Greece para magtrabaho.
Natuklasan din na ang Overseas Employment Certificate (OEC) ng tatlo ay tampered at nakapangalan sa ibang tao nang i-validate ito ng Philippine Overseas Employment Administration – Labor Assistance Center (POEA-LAC) desk sa NAIA.
Kalaunan ay umamin ang tatlo na nagbayad sila ng tig-95,000 pesos sa kanilang handlers at sa airport na lamang inabot sa kanila ang travel documents.
Ang tatlong biktima ay nasa pangangalaga na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang imbestigasyon.