
Nasagip ng Bureau of immigration (BI) ang tatlong biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa BI, ang mga biktima ay dalawang babae at isang lalaki na tinangkang sumakay ng Emirates Airline flight patungong Spain nang harangin sila ng immigration personnel.
Sinabi ng mga biktima na sila ay nagtatrabaho sa isang local tech-company at dadalo umano sa isang conference sa Southern European region.
Sa pangalawang inspeksyon, doon na inamin ng mga ito na nagbayad sila ng P300,000 sa mga recruiter na nakilala nila sa social media at pinangakuan ng mabilis na proseso sa mga dokumento para magtrabaho sa ibang bansa.
Nagbigay babala naman si Viado sa mga tauhan na hindi sila mag -atubiling gumawa ng ligal na aksyon laban sa mga sangkot sa human trafficking.
Agad ding nag-iimbestiga ang kanilang ahensya kung ang isang tauhan ng Immigration ay sangkot sa nasabing insidente.









