Thursday, January 15, 2026

3 biyahe sa PITX patungong Leyte, kanselado dahil sa epekto ni Bagyong Ada

Kanselado na ngayong umaga ang tatlong biyahe patungong Leyte.

Ito’y dahil pa rin sa epekto ni Bagyong Ada ayon sa pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon sa pamunuan ng terminal, ang mga kanseladong biyahe ay may rutang Oras at Tacloban mula sa bus company na GoldTrans at Silverstar.

Inaabisuhan naman ang mga pasahero na i-check ang kanilang mga biyahe lalo pa’t ramdam sa ilang probinsya sa Southern part ng Luzon ang epekto ni Bagyong Ada.

Maari namang makipag-ugnayan sa kanilang mga bus company para sa rebook o refund ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments