3 boarding house nasunog sa Upi Maguindanao

Tatlong mga boarding house ang tinupok ng apoy sa sunog na nangyari Huwebes ng gabi sa Nuro, sa bayan ng Upi, Maguindanao.
Ayon kay BFP ARMM Information officer Senior Inspector Ronald Ampang nagsimula ang sunog dakong alas 7 ng gabi na tumagal ng ilang minuto . Ang boarding house ay gawa sa light materials na pagmamay-ari ng isang Angelita Windang.
Kahit mabilis na nakapagresponde ang pamatay sunog sa lugar ay hindi rin ito naagapan pa dahil mabilis na kumalat ang apoy. Tinatayang nasa 20 tlibong piso ang danyos sa sunog. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments