3 business establishments sa Makati, ipinasara ng lokal na pamahalaan

Tatlong business establishments sa Makati City ang kinandado ng Makati Business Permits and Licensing Office (BPLO) dahil sa kawalan ng mayor’s permit.

Kabilang sa ipinasara ang Natures Thai Spa sa San Antonio, Happy Garden Massage sa Olympia, at Happy Lele Shopping, Inc. sa Pio del Pilar dahil sa pag-operate kahit na walang mayor’s permit.

Hindi naman nabanggit kung mga Chinese o mga dayuhan ang nagma-may-ari ng naturang establishments.


Patuloy ngayon na nagsasagawa ng routine inspections ang BPLO ng Makati para matukoy kung sinu-sino ang mga iligal na nag-o-operate ng negosyo sa lungsod.

Facebook Comments