Tulad ng sa mga nakatatanda, posibleng 3 buwan din ang pagitan bago payagang mabigyan ng booster shot ang mga batang edad 12-17 taong gulang.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, Infectious Diseases Expert na bagama’t ginagawa pa ng Department of Health (DOH) ang guidelines para sa pagbibigay ng booster dose sa nabanggit na age group ay baka itulad na lamang ito sa adult population na 3 buwan makaraang maturakan ng 2nd dose o ma-fully vaccinated ay chaka tuturukan ng booster shot.
Ayon pa kay Dr. Salvaña, Pfizer at Moderna lamang ang mga bakunang maaaring gamiting booster dose sa naturang age group.
Samantala, pinayuhan nito ang mga magulang na may pag-aalinlangan paring pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ani Salvaña, mahalaga ang bakuna kontra COVID-19 maging ang booster shot lalo na ngayong maraming sub variants ang nagsisisulputan para magkaroon ng proteksyon ang lahat laban sa virus.