Wednesday, January 28, 2026

3 celebrities, inireklamo ng pananakit ng isang driver sa NBI

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamong idinulog sa kanila laban sa aktres na si Rhian Ramos at mga beauty queen na sina Michelle Dee at Samantha Panlilio.

Ayon kay NBI Spokesman Palmer Mallari, reklamong Illegal Detention at Physical Injuries ang inihain laban sa 3.

Nabatid na isang driver ang nagreklamo laban sa 3 celebrities.

Tumanggi naman si Mallari na magbigay ng karagdagang mga detalye dahil nagpapatuloy pa aniya ang imbestigasyon dito ng NBI.

Aniya, mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments