General Santos City—nanganganib na ma-relieve sa kanilang pwesto ang tatlong Chief of Police ng Gensan dahil sa kawalan ng aksyon sa iligal na pasabong sa kanilang area of responsibility.
Binigyan ng Ultimatum ni City Councilor Franklin Gacal, chairman ng Committee on Games and Amusement nitong lunsod ang Chief of Police ng Police Station 2, 4 at 7 na sina PCI Jing Salarda, PCI Hoover Antonio at PCI Nestor Maderse dahil umano sa kawalan ng aksyon na matigil ang iligal na pasabong sa kanilang AOR.
Una nang inireklamo ng isang religious group ang talamak na pasabong sa tatlong Barangay nitong lunsod pero hindi agad nagawan ng aksyon ng tatlong COP kaya uminit ang ulo ni Councilor Gacal. Inakusahan din nito ang tatlong mga COP na protector ng iligal na pasabong.
Sa kabila nito binigyan parin nya ng pagkakataon ang tatlong Chief Of Police pero kapag hindi parin nila ito mapatigil, mapipilitan itong gumawa ng isang resolosyon para ipa-relieve ang nasabing mga COP.
3 chief of police ng Gensan nanganganib na ma-relieve dahil sa sabong
Facebook Comments