MANILA – Nilinaw ni incoming President Rodrigo Duterte na suhestyon lamang ang kanyang panukalang 3-child policy sa bansa.Ayon kay Duterte, hindi niya pinupwersa ang bawat pamilyang pilipino na magkaroon lang ng tatlong anak.Naniniwala rin ito na kailangan ng mas agresibong pagpapatupad ng family planning para mapagkasya ang yaman ng bansa.Sinabi naman ni Commission on Population Executive Director Juan Antonio Perez III, na maganda ang panukala pero hindi ito pwedeng gawin mandatory o sapilitan batay sa Reproductive Health law.Kinontra rin ito ng simbahang katolika paliwanag ni Nueva Ecija Archbishop Marlo Peralta, patuloy nilang ituturo salita ng Diyos gusto man ito ng pangulo o hindi.Matatandaan, matindi ding lumaban noon sa RH law ang simbahang katolika.
3 Child Policy O Paglimita Sa Bilang Ng Anak, Suhesyon Lang Ayon Kay Incoming President Rodrigo Duterte
Facebook Comments