3 Chinese, arestado ng PDEA sa Pampanga; ₱3.4-M na halaga ng shabu, nasabat

Tinatayang aabot sa ₱3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pampanga.

Batay sa inisyal na report, nagkasa ng buy-bust operation ang PDEA sa Shanghai building sa Barangay Balibago sa Angeles City, Pampanga.

Sa nasabing operasyon, nadakip ang tatlong Chinese na kinilalang sina Bin Da, Hei Xiao at Gua Xiao na pawang residente ng Shanghai building.


Bukod sa shabu, nasamsam rin sa mga suspek ang pitong cellphone, dalawang susi ng kotse at ang marked money na ginamit sa transaksyon.

Ayon sa PDEA, dahil mailap ang mga suspek kung kaya’t inabot ng isang buwan ang kanilang pakikipagtransaksyon bago naisagawa ang matagumpay na entrapment operation.

Ang tatlong Chinese ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments