Inaresto ng PNP-Anti kidnapping group ang 3 Chinese Nationals dahil sa pagkidnap sa isang Malaysian National na narekober ng mga pulis sa room 1939 ng hotel Okada sa Paranaque noong Miyerkules.
Kinilala ni PNP-AKG Spokesperson P/Lt Col Elmer Cereno ang mga suspek na sina: Yuyun Gao, 43; Xin Fan, 21; at Wei Guo Li, 46, pawang pansamantalang naninirahan sa rm. 1939 ng Hotel Okada.
Ayon kay Cereno, ang biktima na si Lim Raymond ay iniwan ng kanyang kasamang si Ah Hui na isa ring Malaysian national sa mga suspek noong Sept 2, Ito ay matapos na matalo sa sugal ang 500-libong piso na ipinautang ng mga suspek sa kanya.
Hindi na makontak si Ah hui, at ang biktima na ang sinisingil ng mga suspek sa pagkakautang ng kanyang kasama.
Kinontak umano ng biktima ang kanyang kapatid sa Malaysia na nagpadala naman ng 70,000 RMB sa pamamagitan ng wire transfer, pero sinisingil pa pa umano ng nga suspek ng karagdagang 70,000 RMB ang biktima bilang interes.
Nagawa ng biktima ng makahingi ng tulong sa pamamgitan ng pagpapadala ng email sa Management ng Okada, na siya namang nagsumbong sa PNP.