
Arestado ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang tatlong Chinese nationals na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Parañaque City.
Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Zou Tao, Jin Cai, at Junying Lyu.
Naaresto ang mga Tsino matapos na magsumbong ang kaibigan ng biktima makaraang pagbantaan nila ito na papatayin kapag siya ay tumakas.
Naabutan naman ng NBI team ang biktima na nakaupo sa kama.
Narekober din ng mga awtoridad ang live computers bagama’t sa pagsusuri sa desktop, wala namang indikasyon na sangkot ang mga suspek na Tsino sa cryptocurrency-related o investment scam activities.
Facebook Comments










