3 Chinese nationals, timbog sa drug buy bust operations sa Pasay at Parañaque

Arestado sa ikinasang buy-bust operations ng Special Operations Unit – National Capital Region (SOU-NCR) ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang 3 Chinese nationals.

Ayon kay PDEG Director PBgen. Eleazar Mata, ang unang operasyon ay ikinasa pasado alas-6 kagabi sa Pasay City kung saan naaresto ang lalaking Chinese.

Nakuhanan ito ng 546 grams ng hinihinalang shabu, 643 grams ng amphetamine hydrochloride at 114 grams ng ketamine na nagkakahalaga ng ₱7.6M


Sa follow up operations naman pasado alas-11 kagabi sa Parañaque City, 1 babae at 1 Chinese muli ang naaaresto ng PDEG.

Nakuha naman sa kanila ang 100 grams ng ketamine na ₱500,000 ang halaga.

Hinihinalang myembro ng sindikato ang 3 suspek.

Samantala, patuloy ang pagtugis sa isa pa nilang kasabwat na nakatakas sa operasyon.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng PDEG-NCR sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang tatlong nahuling suspek at nahaharap sa reklamong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments