Nagpasa ng application ang tatlo pang vaccine developers para magsagawa ng COVID-19 clinical trials sa bansa.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevara, pinuno ng Task Group on Vaccine Evaluation and Selection (TG-VES) na tatlong vaccine makers na gustong magsagawa ng clinical trials ay galing lahat sa China.
Partikular aniya sa Shenzhen Kangtai Biological, West China Hospital, at Sichuan University.
Sinabi rin ni Guevara na tatlong vaccine developers lamang ang nabigyan ng go signal na makapagsagawa ng clinical trials sa Pilipinas: ito ay ang Sinovac Biotech; Clover Pharmaceuticals; at Janssen Pharmaceuticals.
Facebook Comments