3 Chinese women na nagpa-plastic surgery, hindi pinayagang makaalis sa South Korea

South Korea – Trending sa social media ang litrato ng tatlong babae na hindi pinayagang makalabas ng bansa dahil hindi na makilala ang mga ito.
Magang-maga at may bandage pa sa mukha ang mga bagong retokeng Chinese na dumayo pa sa South Korea para magpa-plastic surgery.
Buong mukha ang ipinaretoke ng mga ito kaya naman hindi nagma-match ang mukha nila sa passport.
Kahit na nagbigay ang clinic ng ‘plastic surgery certificate’ ay hindi sila pinayagan ng immigration officers dahil imposible na talagang makilala sila sa lagay ng kanilang mukha.

Payo naman ng mga netizen ay hintayin gumaling ang sugat sa mukha kung magpaparetoke man sa ibang bansa.

Facebook Comments