3 COVID-19 Patients sa Cauayan City, Nakarekober

Cauayan City, Isabela- Gumaling na sa sakit na COVID-19 ang tatlong nagpositibo sa Lungsod ng Cauayan.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, idineklarang ‘Fully Recovered’ sina CV4164 at CV4239 ng Brgy. San Fermin at CV4277 ng Brgy. Villa Luna.

Ang tatlo ay hindi na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at natapos na rin ang kanilang mandatory quarantine.


Sa kasalukuyan, mayroon pang 33 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments