3 COVID-19 Positive Patients sa Cauayan City, ‘Fully Recovered’ na

67

Cauayan City, Isabela- Idineklara nang ‘fully recovered’ mula sa sakit na COVID-19 ang tatlong (3) nagpositibo sa virus mula sa Lungsod ng Cauayan.

Batay sa ulat ng Cauayan City Health Office ngayong araw ng Lunes, Oktubre 19, 2020, ang mga gumaling ay sina CV1606, CV1694, at si CV1828.

Ito’y matapos magnegatibo sa COVID-19 ang resulta ng kanilang swab test.

Hindi na rin sila nakakaramdam ng anumang sintomas ng Covid-19 at natapos na ang kanilang mandatory quarantine.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 34 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments