3 COVID-19 variant, natukoy sa Zamboanga Peninsula

Kinumpirma ng Department of Health Zamboanga Peninsula-Center for Health Development (DOH ZP-CHD) na mayroong tatlong COVID-19 variant sa rehiyon.

Batay sa mga sample na sinuri ng University of the Philippines- Philippine Genome Center (UP-PGC), positibo sa B.1.1.7 o United Kingdom (UK) variant ang dalawang sample mula sa rehiyon habang 54 ang nagpositibo sa B.1.351 o South Africa variant.

Isa naman ang nakitaan ng P.3 variant na nadiskubre sa Pilipinas na tinuturing na variant of interest.


Kinuha ang mga sample nitong Marso 29 hanggang Mayo 5 sa Zamboanga City, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur.

Facebook Comments