Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrology Division na patuloy sa pagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, as of alas-6:00 ng umaga ay isang gate ang binuksan ngayong umaga sa Ipo Dam matapos umabot sa 101.6 meters ang water level nito.
Paliwanag pa ng PAGASA na tig-tatlong gate naman ang binuksan ng Ambuklao Dam na ngayon ay nasa 751.71 meters at Binga Dam na nasa 574.58 meters.
Samantala, umangat naman ng 3.5 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam na ngayon ay nasa 191.70 meters kung saan ay mas malapit na ito sa normal highwater level na 210 meters.
Samantala, nakapagtala rin ng mga pag-angat ng antas ang tubig ang La Mesa Dam na umangat ng 11 sentimetro, San Roque Dam na tumaas ng 3.55 meters, Pantabangan Dam na tumaas ng 1.08 meters at Magat Dam na tumaas ng 1.28 meters.