
Pakakasuhan ng Independent Commision for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman ang tatlong dati at kasalukuyang senador sa susunod na Linggo.
Ito’y kaugnay pa rin sa pagkakasangkot umano nang mga ito sa maanomalyang proyekto o flood control projects.
Ayon sa ICI, bukod pa ang mga tatlong senador na ito sa una nang inirekumendang pakasuhan ng ICI sa Ombudsman na si Sen. Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada.
Hindi naman sinagot ng ICI kung mayroon pa bang pakakasuhan na mga Congressman bukod kay dating Rep. Zaldy Co.
Samantala, inirekomenda naman ng ICI na muling pakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure sa Ombudsman si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan at dating Usec. Roberto Bernardo at Maria Catalina Cabral na ikatlong case referral ng komisyon laban kay Bonoan.
Ito’y kaugnay ng panibagong P74 millyong halaga ng ghost flood project sa Bulacan.
Ayon sa ICI inirekumenda nilang kasuhan ng kriminal ang iba pang dating opisyal ng Bulacan First District Engineering Office kabilang sina Henry Alcantara at Brice Hernandez.









