Cauayan City, Isabela – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang Medic at Supply Officer maging ang isang menor de edad na kapwa mga miyembro ng Regional Sentro De Grabidad (RSDG) dala-dala ang kanilang mga armas.
Batay sa salaysay ng mag-ama, hirap lang ang pinagdaanan nila sa loob ng kilusang grupo na maihahalintulad sa sitwasyon ng isang bilanggo.
Ayon sa mga sumuko, pwersahan na ang paghihikayat ng mga New People’s Army (NPA) sa kanilang lugar dahil wala ng gusting sumampa at humawak pa ng baril.
Inilahad ni alyas Paul na inutusan siyang sabihin na nasa edad 18 na ito kahit ang totoo ay 17-anyos pa lang kung sakaling may magtanong sa kanya.
Ayon naman sa naging rebelasyon ni alyas Chris, sapilitang isinama siya ng grupo para maging daan patungo sa bayan ng San Guillermo mula sa Diwago Complex subalit hindi imbes na paalisin agad ay minabuting bigyan na lamang siya ng baril at nagbibitbit ng bomba.
Tinangka rin nitong tumakas sa grupo subalit napag aabutan siya ng kanyang mga kasamahang NPA at sinubukan rin nitong sumuko sa isang opisyal ng barangay pero minabuting ibalik ito ng opisyal ng bumisita ang kumander ni alyas Chris sa mismong bahay ng kagawad.
Sa pagkakataong ito, nagdesisyon si Chris kasama si alyas Joy na muling tumakas habang bitbit ang isang M16 riffles para lumaban sakaling masundan ng kanilang kasamahan subalit hindi nila inasahan ang nangyari kay alyas Joy makaraang mahulog sa bangin at napag-abutan ng kasamahan.
Naririnig din ni alyas Chris ang sigaw ni Joy ng sapilitan na itong kaladkarin ng kanilamng armadong kasamahan pabalik ng kuta.
Dagdag pa ng tatlong sumuko na ang mga bandidong NPA ay pursigido ng mag-ambush sa mga PNP at AFP sa lugar.
Sa katunayan, tatlong beses na silang nag-abang sa mga sasakyan ng PNP na nagsasagawa ng Medical Mission sa San Guillermo, Isabela subalit ang kanilang bomba ay hindi sumabog.
Isa rin dito ay sa lugar ng Cauayan Ciy pero nakalampas na ang puwersa ng gobyerno.
Isiniwalat din nila ang iba pang mga terroristang plano ng NPA kagaya ng pag-atake sa mga sundalo at kapulisan na tumutulong sa mga barangays.
Bukod dito, bakas pa rin sa mukha ng tatlong sumuko ang saya ng magkakasama sila at pagsisimula ng bagong buhay.
Nagpapasalamat naman si Lt/Col. Gladiuz Calilan, Commanding Officer ng 95IB sa mga sumuko dahil tinalikuran nila ang grupong walang Panginoon.
Dagdag pa niya na ang kanilang pagbabalik-loob ay napapanahon upang makapiling ang pamilya ngayong nalalapit na Pasko.