Kasalukuyang nagaganap ang Archdiocesan Youth Day o AYD, isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataan ng Simbahang Katoliko sa buong lalawigan ng Pangasinan, at nangyayari ang tatlong araw na pagtitipon na ito sa ilang Barangay Islands ng Dagupan City.
Bilang host ang Most Holy Rosary Parish Calmay, ang mga kalahok sa nasabing pagtitipon ay mananatili sa Brgy. Pugaro ng nasabing lungsod mula May 11 hanggang 14, araw ng Sabado.
Tinatayang nasa isang libo at anim na raan na mga kalahok ang kabuuang bilang na kasama sa AYD, na mula sa limampu’t-apat o 54 na churches na kinabibilangan ng siyam o 9 na vicariates.
Nakipag-ugnayan naman ang church organization sa lokal na pamahalaan ng Dagupan at nagkaroon ng site inspection, pagtitiyak ng kaligtasan ng mga kalahok sa pamamagitan ng pagsisiguro ng sapat na supply ng inuming tubig para sa mga ito.
Nakaantabay din ayon sa direktibo ng alkalde ang mga hanay ng CDRRMC, PNP, BFP, CDRRMO, City Health Office, Red Cross at iba pang katuwang na ahensya sa magiging rescue, medical team, at lifeguards sa nasabing pagtitipon. |ifmnews
Facebook Comments