3-day lock-out, ipapatupad bilang paghahanda sa SONA

Magsasagawa ng tatlong araw na complete lock-out policy ang Kamara simula July 19.

Sa abiso sa lahat ng house members, officials at employees, ang mga personnel at non-employees ng lower chamber na walang official business sa loob ng Kamara ay hindi papayagang makapasok ng Batasan Complex mula July 19 hanggang July 21.

Ayon kay House acting Secretary General Dante Roberto Maling – kasama rin sa kanilang abiso ang mga pre-SONA reminders at security requirements.


Ang advisory ay inisyu bilang paghahanda sa pormal na pagbubukas ng first regular session ng 18th Congress at ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Facebook Comments