3-day national vaccination drive, umani ng suporta mula sa mga senador

Magandang hakbang para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson ang 3-day national vaccination drive para tuluyan na nating maabot ang herd immunity at sana ay higit pa sa target ang mabakunahan.

Ayon kay Lacson, walang atrasadong hakbang basta’t ito ay para sa ikabubuti ng nakararami nating mga kababayan.

Buo naman ang suporta ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pagsusumikap ng pamahalaan na mabakunahan ang 50 milyong Pilipino bago matapos ang taong kasalukuyan.


Iginiit naman ni Senator Koko Pimentel na anumang hakbang at aktibidad para maisulong ang voluntary vaccination ay kalugod-lugod.

Para kay Pimentel, makabubuting isulong ang “vaccination of the willing” at bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga bakunado na at mga gustong magpabakuna.

Bagama’t suportado ang nabanggit na hakbang ay hindi naman naiwasan ni Senator Risa Hontiveros ang malungkot na ngayon lang naghain ng programa ang administrasyon para sa malawakang bakunahan lalo’t mag-e-expire na ang mga vaccines.

Itinuturing naman ni Senator Joel Villanueva na isa itong malaking ‘booster shot’ na kailangan ng bansa upang mapataas pa ang bilang ng nabakunahan.

Diin ni Villanueva, isa itong “one-time, big-time” na paraan dahil ang mga grand bakunahan na ito ay aabot sa mga nag-aalinlangan at nagdadalawang-isip na magpabakuna laban sa COVID 19.

Facebook Comments