Inanusiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilulunsad na tatlong araw na National Vaccination Drive na magaganap mula sa November 29 hanggang December 1.
Sa Talk to the Nation nito kagabi, ginawa ng pangulo ang pahayag sa harap na nakatakdang paggunita ng Bonifacio Day sa November 30.
Bayani naman para sa pangulo ang mga Pilipinong nagpabakuna na kontra COVID-19.
Batay kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., target ng gobyerno na mabakunahan ang hanggang 77 milyong Pilipino para makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.
Facebook Comments