3 days virtual jobs fair ng JobQuestPH, aarangkada na ngayong araw; 985 job openings, alok sa mga naghahanap ng trabaho!

Aarangkada na ang tatlong araw na virtual jobs fair ng JobQuestPH ngayong araw, October 11 hanggang October 13, 2021, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Mag-apply gamit ang inyong mobile phones, laptops at tablets.

Nasa 14 kompanya mula sa BPO, real estate, bank, insurance, retail, manufacturing at local manpower agencies ang kalahok dito.


Kabuuang 985 latest job openings ang maaring pagpilian ng mga aplikante.

Mag sign-up lamang sa www.jobquest.ph dahil on-going pa rin ang registration.

Handog ito sa inyo ng JobQuestPH, Department of Labor & Employment (DOLE), Public Employment Service Office at ng official radio partner DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanap-buhay.

Facebook Comments