3 dayuhan, arestado dahil sa kasong ATM skimming

Pampanga – Arrestado ang tatlong dayuhan dahil sa kaso ng ATM skimming sa San Fernando City, Pampanga.

Kinilala ang mga suspek na sina Radu Minidor, isang Nicaraguan national; Marcu Bogdan at Petro Uveges, kapwa Romanian national.

Nahuli ang mga dayuhan, isa’t kalahating oras matapos nilang mag-withdraw ng 300-libong piso.


Una nang nambiktima ang mga suspek sa Cebu City gamit ang parehong modus.

Sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Access Device Regulation Act at Electronic Commerce Act.

Nakikipag-ugnayan na rina ng Bureau of Immigration para alamin kung miyembro ng isang International syndicate ang mga suspek.

Facebook Comments