3 DEFENDING CHAMPIONS, HAHAMUNIN NG WEEK 5 CONTENDERS SA ISABELA’S GOT TALENT

Cauayan City – Susubukang patalsikin ng week 5 contenders mula sa iba’t-ibang bayan ng Isabela ang tatlong defending champions sa Isabela’s Got Talent 2024.

Mas magiging mahirap pa ang magaganap na pasiklaban sa pagitan ng mga talentadong Isabeleño dahil hindi lamang isa o dalawa kundi tatlong defending champions ang kailangan nilang pataubin.

Kabilang sa tumatayong defending champions ay ang mula sa Ilagan City na si Arvie De Villa, 3rd time defending champion, Florante Aroc Jr., new defending champion, at ang 2nd time defending champion na pambato naman ng lungsod ng Cauayan na si Princess Cadiz.


Magaganap ngayong hapon ikalawang araw ng Agosto ang ikalimang linggo ng pasiklaban ng iba’t-ibang talento sa entablado ng Isabela’s Got Talent 2024.

Samantala, patuloy na inaanyayahan ang lahat ng talentadong Isabeleño na ipamalas ang kanilang angking talento sa pamamagitan ng pagre-register at pagsali sa patimpalak.

Facebook Comments