
Itinuturing na ngayong protected witness ng Department of Justice (DOJ) ang ilang contractor at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa isyu ng palpak at maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, protected witnesses na sina dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, dating Assistant Engineer Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Bukod sa kanila, inilagay na rin sa Witness Protection Program ng pamahalaan ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.
Ngayong araw nang magtungo sa tanggapan ng DOJ sina Hernandez at Mendoza para makipag-pulong kay Remulla.
Habang kahapon naman ay saglit na pumunta si Alcantara sa DOJ para panumpaan ang salaysay na ibinunyag nito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon.









