3 driver at 4 na konduktor nagpositibo sa UNDASPOT sa Region 1

Umabot sa pitong katao ang nagpositibo sa isinagawang UNDASPOT kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 1 sa 334 driver, konduktor at staff ng mga bus terminals sa rehiyon.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay PDEA Region 1 Information Officer Biesmark Bengwayen, 334 ang naunang dumaan sa kanilang drug test.
Tatlong driver at apat na konduktor ang nagpositibo dito na karamihan ay sa mga mini buses.
Mataas umano ang bilang na ito sapagkat noong nakaraang taon nakapagtala sila ng apat na katao na nagpositibo sa apat na operasyon.
Sinuyod din ng ahensya ang mga bagahe ng mga pasahero ngunit walang nakitang kontrabando.
Samantala, nagpaalala ang ahensya na kung may naobserbahan na driver at konduktor na gumagamit ng iligal na droga ay huwag matakot isumbong sa otoridad at isipin ang buhay ng mga pasahero.
###

Facebook Comments