3 empleyado ng DOTr, nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs

Tatlong empleyado ng Department of Transportation o DOTr ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Ang tatlo ay sasailalim sa confirmatory test para makasiguro ang ahensya sa resulta.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nakipag-ugnayan na sila sa Dangerous Drugs Board (DDB) na siyang nagsagawa ng mandatory drug testing.


Aniya, mahigpit nilang ipinatutupad ang “zero tolerance” sa korupsyon at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments