3 estudyante, lapnos ang mukha matapos ang pumalyang science experiment sa eskwelahan

Nalapnos ang mukha ng tatlong grade-9 students matapos pumalya ang kanilang science experiment sa kanilang eskwelahan sa Mountain Province.

Kinilala ang mga biktima na sina Jaden Caranto, Gina Espiritu, at Hannah Louise Nabunat na noon lamang ay nagpapakulo raw ng tubig gamit ang isang alcohol lamp.

Bigla raw nilagyan ng kanilang guro ng mas maraming alcohol ang naturang burner saka ito sinindihan.


Sabi ni Coranto, “Linagyan ni ma’am ng alcohol, tapos sinindihan niya kaya nung nilagyan niya, sumabog at sa aming napunta, sa akin napunta.”

Dagdag pa niya, sinundan lang daw nila ang nakalagay sa libro.

“Wala namang nakalagay sa book na gagamitin eh. Hindi rin sinabi ni ma’am, kaya wala. Sinunod po namin ‘yung procedure na nakalagay sa book,” saad niya.

Agad namang dinala sa kanilang school clinic ang tatlo at kalauna’y sinugod rin sa ospital.

Wala namang inilabas na pahayag ang naturang guro at principal ng kanilang paaralan.

Facebook Comments