3 exit points sa bansa na posibleng daanan ni Alice Guo paalis ng Pilipinas, bantay-sarado na ng PAOCC

Nakatutok na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC ang mga lugar sa bansa kung saan posibleng dumaan palabas si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, tinukoy ni PAOCC Spokesperson Dr. Winston John Casio na ang tatlong exit point sa bansa ay ang Northernmost at Southern tip ng Luzon at Mindanao backdoor exit.

Kaya lumalabas aniya na iligal itong umalis sa bansa dahil walang matukoy na Immigration flight records.


Lumalabas kasi aniya na iligal itong umalis sa bansa dahil walang matukoy na Immigration flight records kahit napatunayang dumating ito sa Malaysia, Indonesia, at Singapore.

Ayon kay Casio, batay sa pinakahuling impormasyon nila ay nasa Indonesia pa ngayon si Guo.

Naniniwala ang PAOCC na mayroon talagang nagpabaya o tumulong kay Guo na makalabas ng bansa at ihahayag aniya nila ang mga detalye sa mga susunod na araw.

Facebook Comments