CAUAYAN CITY – Napasakamay ng mga awtoridad ang isang Street Level Individual (SLI) sa Brgy.Quirino, Solano, Nueva Vizcaya matapos ang ikinasang operasyon.
Ang suspek ay kinilala bilang si alyas “Ricky”, 40-ayos, at nakatira sa nabanggit na lugar.
Sa isinagawang operasyon, nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang tatlong (3) gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20K, pera at iba pa.
Inaresto ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ni Hon. Diminica Dumangeng-Rosario, Executive Judge ng RTC Branch 27, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Si alyas “Ricky” ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments