3 guro, sugatan matapos bumangga ang sinasakyang van sa puno sa Camarines Sur

Camarines Sur – Sugatan ang tatlong guro matapos bumangga sa puno ang sinasakyan nilang van sa Ragay, Camarines Sur.

Maingat ang pagsagip ng rescue team sa driver na naipit makaraang mayupi ang harapan ng sasakyan.

Bukod sa driver, isinugod sa pagamutan ang dalawa pa niyang kasamahang guro.


Batay sa imbestigasyon, papunta sila sa isang scouting event pero posibleng inantok ang driver.

Facebook Comments