Arestado ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong hacker na nasa likod ng pag-hack ng file ng Philippine Navy.
Kabilang din ang mga ito sa nag-hack sa registration system ng New Era University at ng 2026 Comelec hacking incident.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago kabilang sa mga naaresto ay ang tumatayong lider ng international syndicate ng mga hacker.
Isa sa mga suspek ay tauhan ng Philippine Navy.
Kasunod ito ng isinagawang entrapment operation ng NBI-Cybercrime Division.
Ibinebenta umano ang 10 gigabyte na data na nakuha sa Philippine Navy na ibinebenta sa halagang ₱500,000.
Nahuli ang isa sa mga suspek sa Cubao, Quezon City habang sa Philippine Navy naman ang isa at Cagayan de Oro naman ang pangatlo.
Wala naman umanong nakuhang sensitibong data mula sa Philippine Navy dahil agad itong na-detect.