3 healthcare workers ng San Lazaro Hospital, nag-positibo sa COVID-19

Inihayag ngayon ng pamunuan ng San Lazaro Hospital sa Maynila na tatlo nilang healthcare workers ang nag-positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Hepe ng adult infectious diseases ng San Lazaro Hospital, ang mga nasabing healthcare workers ay pawang mga naka-assign sa ward kung saan nananatili ang mga pasyenteng may COVID-19 patients.

Nabatid na isinagawa ang test sa tatlo matapos na magpakita ng sintomas ng naturang virus kung saan nagsagawa na din sila ng contact tracing at wala pa naman sa ngayon nagpapakita ng anumang sintomas ang nakasalamuha ng tatlo heallthcare workers.


Iminungkahi naman ni Dr. Solente sa pamunuan ng hospital na magsagawa ng COVID test sa mga personnel kada dalawang linggo para masigurong ligtas at walang sakit ang mga ito.

Sinabi pa ni Solente na makakatulong ang pag-test sa mga healthcare workers upang mapanatag ang kanilang isipan at magpatuloy pa din sa kanialng trabaho ng walang nararamdamang takot na baka nahawaan na sila ng COVID-19.

Samantala, ayon kay Dr. Solente, posibleng maabot na ng hospital ang kanilang kapasidad sa pagtanggap ng mga COVID-19 patients dahil nasa 27 o 28 sa 36 na isolation room ang okupado kung saan sakto lamang daw ang bilang ng kanilang Personal Protective Equipment (PPE’s) sa mga nasabing kabuuan bilang ng mga kwarto.

Facebook Comments