3 High Value Drug Target na Dumayong Magbenta sa Santiago City, Natimbog!

62

*Santiago City, Isabela- *Arestado ang tatlong High Value Target (HVT) na kinabibilangan ng isang menor de edad matapos matiklo sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad kahapon sa Brgy. Divisoria, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na HVT na sina Ryan Cabugatan, bente anyos, binata, Ceejay Ulep, bente uno anyos, binate at isang disi syete anyos na itinagao sa pangalang “Jun-jun” na pawang mga residente ng Alicia, Isabela.


Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa Santiago City Police Station 1, nadakip ang tatlong suspek matapos bentahan ng Marijuana ang isang pulis na nagpanggap bumili sa halagang isang libong piso.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang pakete ng tuyong talbos ng marijuana na may bigat na anim na raang gramo, dalawang pakete ng marijuana na may bigat na dalawampung gramo, isang libong marked money at isang unit ng motorsiklo na walang plaka.

Hawak na ng PNP Santiago City ang tatlong suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments