3 High Value Target na Drug Pusher, Nasakote sa Isabela; P340K Halaga ng Shabu, Nakumpiska

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong high value target na tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad kamakailan sa kahabaan ng pambansang lansangan na sakop ng brgy. Malapat, Cordon, Isabela.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 2 at PDEA RO2, timbog ang tatlong tulak na sina Jestoni Guttierez, 30 taong gulang, may asawa, isang driver, residente ng Brgy. Alibadbad, San Mariano, Isabela; Juanito Aggabao, 33 taong gulang, isang truck helper, residente ng District 3, Cauayan City, Isabela; at Evelyn Dela Cruz, 47 taong gulang, may asawa, isang tindera ng sako at residente naman ng Brgy. Sto. Niño, Gapan, Nueva Ecija.

Nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang mahigit kumulang na 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P340,000.


Bukod sa mga nakuhang iligal na droga, nakuha rin mula sa tatlong suspek ang mga drug paraphernalia, mga cell phones maging ang isang trailer truck na kanilang ginagamit sa ilegal na transaksyon.

Nasa kulungan na ng PNP Cordon, Isabela ang tatlong nahuli na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments