Manila, Philippines – Isinasalang na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) ang taltong pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Ang mga ito ay sangkot sa tinaguriang Sulu encounter na nangyari noong August 10.
Kabilang sa mga inilatag na ebidensya ng militar laban sa umano’y ASG members ang isang improvised caliber, 50 rifle at iba pang matataas na kalibre ng baril.
Nakumpiska din sa kanila ang mga uniporme at gamit ng mga sundalo.
Ilan lang sa mga posibleng ikaso sa mga ito ang illegal possession of firearms & explosives.
Matatandaang noong August 10, tinangka ng AFP na sagipin ang mga bihag na hawak ng Abu Sayyaf Group sa Sulu.
Ayon kay Capt. Jo-Ann Petinglay, Western Mindanao Command spokesperson, nangyari ang clash o sagupaan sa bayan ng Kalingalan Caluang, Sulu alas kwatro ng madaling araw.
Dalawang sundalo ang napaulat na nasawi habang 5 naman mula sa panig ng ASG.