3 human rights defenders, napaslang sa loob ng nagdaang 48 oras ayon sa grupong Karapatan

Kinondena ng human rights group na Karapatan ang sunod-sunod na pagpatay sa mga human rights defenders.

Sa isang kalatas, sinabi ng Karapatan na noong June 15 pinaslang sa Sorsogon sina Nelly Bagasala at Ryan Hubilla, parehong staff ng Karapatan.

Sinundan naman ito ng pamamaril at pagpatay noong June 16 kay Nonoy Palma, miyembro ng KMP sa Bukidnon.


Ayon sa grupo, ang mga pagpatay na ito ay panibagong atake sa mga human rights advocate.

Mariing kinokondena rin ng grupong Bayan ang mga pagpaslang na ito na nagpapakita ng impunity o kawalang pananagutan.

Facebook Comments