CAUAYAN CITY – Pinapayuhan ng Department of Energy ang mga konsyumers na maging masinop sa paggamit ng kuryente matapos na maantala ang suplay dahil sa pag shutdown ng tatlong hydropower plant dahil sa Bagyong Aghon.
Sa ginanap na pulong balitaan, mas manipis ngayon ang suplay sa Luzon Grid dahil sa pagsasara ng mga hydropower plants.
Click here for more update: https://fb.watch/snPz9xU7S_/
Kabilang sa mga isinara ay ang 1200 MW Ilijan Powerplant, 335 MW Masinloc 3 at ang 455 MW San Buenaventura. Habang ang 20.8 MW Botocan plant ay nawalan ng operasyon dahil sa matinding epekto ng bagyo.
Kaugnay nito, patuloy na umaapela ang DOE sa lahat ng konsyumer na maging wais sa paggamit ng kuryente.
Gayundin sa commercial industrial consumer na makilahok sa interruptible load program upang matugunan ang suplay ng kuryente sa panahong mataas na demand nito.